AdSense

Tuesday, March 10, 2020

Nagustuhan mo rin ba ito?

 Sa totoo lang iniwasan ko na sanang manood ng mga teleserye, kasi nga naman nakakasawa na yung, mga same story line ang napapanood mo. Sabunutan, sampalan, kabit dito at kabit doon, kidnapan, bullying, api-apihan at kung ano-ano pang mga eksena na hindi kaaya aya. Walang mga moral lesson. 
Pero lately, na curious ako nitong bagong story sa GMA telebabad primetime. March episode na yung una kung napanood, pero aba ang lola hindi na makatulog kasi nabitin, kaya hinanap ko yung mga previous episode, nakita ko mid month of feb. Na episode, at na curious uli, hindi ko na tinantanan talagang inumpisahan ko sa episode 1. Na appreciate ko sya, very cool ang takbo ng story and very touching, na puno ng moral lessons, ang bawat character tagos sa puso, parang masasabi mo na walang kontrabida at walang bida. Magaling ang writer, feel mong walang pait na dinala ๐Ÿ˜‚ at ang director pati cinematography ang ganda din, Mabilis ang facing ng story. Sana lang mag tuloy-tuloy lang ganun  ang takbo after mawalan ng isang character, wag sanang maging paikot ikot, hindi porket bet ng mga manonood.
 Congrats  po sa buong cast, staff/crew. Ang gagaling, walang tapon. 

 
t Photo credit source: #GMA7 #LoveOfMyLife

No comments: